❔

Kapag naririnig ang mga kanta

Kantang nagpapaalala sakin sayo

Di maiiwasang tumulala

Agad agad sayo ang balik ko

Di ko maintindihan ang sarili

Ni hindi mapakali

Bakit nga ba di makausad

Gustong ikaw pa rin ang nakakausap

Minsan iniisip ko

Ano bang klaseng pagibig pa ba to?

Mahal ko ba talaga siya?

O dahil sa kaibigan ko lang talaga?

Pero mas madalas ang naiisip ko..

Ano kaya ginagawa mo?

Nasaan ka kaya?

Masaya ka ba?

Iniisip ko, naiisip mo din kaya ako?

Naging mahalaga din kaya ako sayo?

O sadyang ako lang mula umpisa?

Naghihintay at umaasa

Labo-labo, halo-halo

Ang gulo ng mundo ko

Pero hanggang ngayon..

Wala pa rin sagot kahit isa sa mga tanong ko.

#Asa

There’s one person na dumating sa buhay ko. Una naging kaibigan, tapos naging matalik na kaibigan hanggang sa di ko namamalayan na siya na yung hinahanap ko, siya na yung gustong nakakausap, napagsasabihan, naoagkkwentuhan. Kahit walang kwenta yung usapan. Basta siya lang. Araw araw kaming magkausap, maya’t maya ang tawag niya. Panahong college pa lang siya, nandun na ko. Naging mag bestfriend kami. Hanggang sa naging parehas ang gusto namin, naging libangan namin mag gitara. Everyday tinuturuan niya ng chords. Hanggang sa nagustuhan ko na talaga mag gitara. Umabot sa point na di na kami sanay ng di magkausap. Nag iloveyou pa siya sakin. Ako din sa kanya. Pinupuntahan niya ko lagi sa bahay. Nagpakilala din siya sa family ko. Nag insist din siyang makilala mga kaibigan ko. Anlayo pa ng pinuntahan namin mapakilala ko lang siya. Everytime ba-byahe kami, super sweet niya sa jeep or sa bus. Tapos nung nakarating kami sa bahay ng friend ko, tumabi pa siya sakin. Nakipag holding hands and kiniss ang kamay ko. Super saya ko nun. 

Hanggang sa 1 araw… Tumawag siya, “Buds, may goodnews ako sayo..” sabi ko ano yun? Sabi niya, “May nililigawan na ko!!” Ang saya niya. Pero yung time na yun? Di ko ma explain yung nararamdaman ko. Sinabi ko na lang, “Congrats!!” Sabi niya kapag sinagot na daw siya, papakilala niya daw sakin. Sabi ko lang, okay. Di ko alam bakit ang bigat sa pakiramdam. Gusto ko sabihin sa kanya pero takot akong ma-reject and ayoko masira friendship namin. After nun, pumupunta-punta pa rin siya sa bahay. Pero maya-maya may kausap na siya sa phone. Pero naka akbay siya sakin. Hanggang sa dumating na yung araw na sinagot na siya. Naging sila na. Mas lalo na siyang walang time sakin. Pero kapag nagkaka problem silang dalawa. Tumatawag siya sakin. Ako naman si Payo. Naisip ko nun, since di ako sanay nang di ko siya nakakausap, piliin ko na lang na ganun. At least may bonding kami kesa sa wala. 

Isang araw binalita niya sakin na nagkaroon daw ng accident. Nabagsakan yung daliri niya ng 400kgs na bakal. Kaya nasa hospital siya sa Manila Doctors Hospital. Pumunta agad ako. No questions asked. Pagpunta ko dun. Super yung ngiti niya. Dumalaw din yung gf niya. Pinasundo pa niya sakin sa lrt station. Pagdating dun. Kiniss siya ng kiniss ng gf niya. Tapos nakatingin siya sakin. Iniba ko tingin ko. Nagusap sila ng super sweet. Hanggang sa umuwi na siya. Ako naman nandun pa din. Mag overnight na daw ako sabi niya kasi mahihirapan pa daw ako makauwi. Magkatabi kaming natulog sa hospital bed. Binabantayan ko siya. After nun, umuwi na rin ako kinabukasan. 

Naging okay kami kahit may gf siya. Lagi na din siya tunatawag. After 10mos, nagbreak sila ng gf niya. Sabi niya, “Buti na lang bestfriend kita, kasi umalis man gf ko, iwanan man nila kong lahat, magbreak kami, still andiyan ka pa din” touched ako na nasaktan. Ewan ko ba. Di ko din kasi alam dapat kong gawin. Nasabi pa niya sakin minsan.. Mahal niya ako. Sabay tanong, mahal mo din ako di ba? Nagkaibigan naman tayo. Sabi ko lang oo naman. 

Dumating na yung time na nakagraduate na siya. Ako nagaaral pa din kasi late na ko nag take ng college. Lagi kaming nagkakamustahan pero di na siya ganun kadalas makipagkita. Nagpapahanap pa siya sakin ng liligawan. Niligawan na niya 2 sa mga highschool friends ko. Pero di siya sinagot. Sabi ko pa, “Bakit puro friends ko nililigawan mo?” Natatawa lang siya. Lagi pa rin kami nagkakausap pero di na katulad nung umpisa. Nag set pa siya ng plan na magiipon kami. Magiging business partners daw kami. Magtatayo kami restaurant. Kaya BShrm ang kinuha ko dati. Sabi pa niya,”Malay mo makuha kita kapag nagwwork na ko sa barko”. Sabi pa niya sakin, “One day papakilala kita kay Mama, sama kita sa Aklan“. Ang saya-saya ko nun. Ang hinala na nga ng family ko, bf ko siya e. Pero hinde e. Bago siya nagka work. Binigay niya sakin ung gitara niya, si Eloisa. Symbol daw yun na lagi ko siyang kasama. 

Nagka-work na siya as asst chef sa barko. Lalo kaming nawalan ng time sa isat isa. Hanggang sa nalaman ko na lang na may gf siya. Yung kababata niya. Sabi lang niya sakin, “Sorry sa iba mo pa nalaman, sasabihin ko naman talaga dapat sayo e. Di lang nagkaron ng chance” Hanggang sa andami ng nabago. Ayaw daw sakin nung gf niya kaya dumidistansya na muna siya. Hanggang sa di na kami friends sa Facebook. Hanggang sa di na siya tumatawag, hanggang sa di na din siya kumokontak. Hanggang sa..After 3 yrs ata… 2015. Nag message siya. Binalita niya sakin na nagpropose na siya sa gf niya. ———

Moment of silence.

Tinanggap ko na. Wala na talaga. Di talaga.

Tinanong ko kailan niyo planong magpakasal. Sabi niya after 2 yrs. Today’s year is 2017. February, nagpakita siya sakin. Niyakap niya ko ng sobra, sabay sabi niya ng pabulong, “Namiss ko to ah” Nagkwentuhan kami. Naka akbay siya habang naglalakad kami. Sobrang saya ko. Pero sa likod ng saya na yun, alam kong hanggang dun na lang. Nagready ako ng letter ko para sa kanya. Sinabi ko lahat ng nararamdaman ko sa friendship namin. Di ko napigilang umiyak. Ang sabi niya after kong mabasa, “Maraming pwedeng mabago, di din natin hawak yung mga bagay na akala natin di na mababago.” Nagkkwento rin siya ng mga flaws ng gf niya. Yung mga ayaw niya na ginagawa ng gf niya. Sinabi din niya na di siya sure sa pagpapakasal. Na bahala na kung ano daw will ni Lord. After nun, kinabukasan tumawag siya sakin. Nag away sila ng gf niya. Nag assume siya na baka di na sila magbalikan. As bestfriend, ginawa ko lang part ko. Nag advice ako how to win her back. Kasi miski siya nag give up na. Hanggang sa bandang hule di niya namamalayan na tumatawa na siya. Masaya na siya. And ttry daw niya yung sinabi ko. That same night. Tumawag siya, di ko nasagot. Nagtxt siya, “Okay na kami kaso may condition e… Wag na daw ako makikipag communicate sayo” Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Sabi ko,”Ganun na lang ba yun? Ganun mo na lang ako kadali i-give up? Nagpaparaya ako, pero sobra naman di na nga tayo nagkikita ni naguusap hindi na din. Ano ba ginawa kong mali sa kanya?? Sayo?? You don’t have to answer. Last na to” After nun. No communication na. Hanggang sa may mga songs na nagreremind sakin sa kanya. Ang hirap pala ng ganun. Minessage ko siya. Nag explain ako. Nag nsg siya ng mahaba. Na nasaktan siya sa mga sinabi ko. And after nun wala na.

— Masakit lang kasi kahit nagbaba na ko ng pride. Ako pa rin ang may fault ng lahat. For now, wala na talaga. Wala ng balita. Malalaman ko na lang siguro kasal na sila. I must move on. 

Fallback girl

Today’s year is 2017 and I am 31 yrs old. Had a relationship? Nuuuuh! Ako kaya yung typical na NBSB 😂 

Nagkakaron ng mga kilig moments pero no labels. Medyo suki ako sa ganun. Yung aakalain ng ibang tao kayo pero hinde. After mong ma-attach sa taong lagi mong kasama and kulang na lang talaga label para maging official yung relationship, bigla na lang siyang may tatawaging “girlfriend” daw niya. Bakit kaya? Though alam naman nila sa sarili nila na kung anong kind of relationship meron sila nung taong yun, still parang kunwari di niya alam. Parang kunwari friends lang talaga. Parang gusto nila meron silang fallback everytime na nagkaka-problem sila sa girlfriend nila. Or kapag nag break up na sila, meron silang 2nd option. Ano kaya tawag dun? 

Blog at WordPress.com.

Up ↑